Negros Famine, gawa gawa lang daw ng NPA?

Share on facebook
Share on twitter
Share on pinterest
Share
Share on facebook
Share on twitter
Share on pinterest

HINDI TOTOO! Hindi gawa-gawa ng NPA ang mga kwento ng gutom at malnutrisyon na dinanas ng mga mamayan sa Negros island noong 1980s. Ang UNICEF na mismo ang nagkumpirma na nagsagawa sila ng mga programa sa Negros para tugunan ang malawakang gutom, malnutrisyon, at kahirapan sa isla. Naging matunog ang pangalan ni Joel Abong, isang bata na kulang sa timbang dahil sa gutom at kahirapan, at kinilala siya bilang ‘Batang Negros’ noong 1980s.

Noong 1974 nagkaroon ng krisis sa industriya ng asukal sa Negros Occidental. Isang Marcos crony na nagngangalang Roberto S. Benedicto ang naghoard ng asukal sa nais makamit ang monopolya sa nasabing produkto.

Sa kasamaang palad, kasabay nito ang pagbaba ng presyo ng asukal sa buong mundo at napilitan si Benedicto na ibenta ang tambak na asukal sa mas mababang presyo. Ito ang naging simula ng gutom at malnutrisyon na dinanas ng mga Negrosanon noong 1980s.

Maraming mga haciendero, mga sakada o magsasaka, at mga manggagawa ang lubos na naapektuhan. Dahil sa kawalan ng trabaho at kakulangan sa pasweldo, matinding gutom ang dinanas ng mga pamilyang umaasa sa tubo at asukal. Sa kabila ng malawakang gutom at kahirapan, naging magandang oportunidad ito para sa rebeldeng grupo na NPA para manghikayat ng mga Negrosanon na sumama sa armadong pakikibaka sa Negros.

Naging dahilan naman para sa maraming mga Pilipino ang krisis para magkaisa at magsagawa ng mga donation drives para magpadala ng pinansyal na tulong at pagkain sa probinsya ng Negros. Ang kasalukuyang kongresista ng Bacolod mismo ang nagsabi na posibleng maulit ang Batang Negros at krisis sa Negros noong 1980s kung tuluyang babagsak ang industriya ng asukal dahil sa pagpasok ng mga banyagang produkto ng asukal sa probinsya at buong bansa. [BASAHIN DITO: https://www.panaynews.net/greg-warns-return-of-batang…/]

Nakapagtala ang United Nations Children’s Fund o UNICEF ng 140,000 batang Negros na nakaranas ng 2nd at 3rd degree malnutrition taong 1984-1986. Kinailangan ng gobyerno at ng UNICEF na magtulungan sa pagtaguyod ng sobra sa 2,000 feeding centers sa layuning ibalik ang kalusugan ng mga bata. Ayon sa mga taga-Bacolod at taga-Negros, naging bahagi sa mga inspirasyon ang krisis sa asukal at malawakang gutom at kahirapan para simulan ng Bacolod ang kilalang ‘MassKara Festival’.

[UPDATED] DAGDAG KAALAMAN: Ayon sa mga kasamahan natin sa laban kontra Fake News, gumawa pa nga raw ng kanta si Freddie Aguilar para ikwento ang masisilamuot na nangyari noon sa Negros.

Sources:

https://www.philstar.com/headlines/2021/12/05/2145905/fact-check-viral-photos-robredo-supporters-crowded-rally-vp-selling-fish-are-fake
https://mb.com.ph/2021/12/05/hindi-tayo-magpapatinag-robredo-slams-fake-photo-of-supporters-pink-parade/

You May Also Like...

Founded in 2017, Fact Check Philippines is a coalition of independent groups and individuals with one common goal—to aid in combating fake news and misinformation. It is the country’s first established citizen fact checking organization.

Report Fake
News

Notice anything that’s suspicious on social media platforms? Report that fake news to have it fact checked.

Submit An Application

We need everyone in the fight against fake news. Interested in volunteering? Sign-up by providing your personal details.

Data Privacy Disclaimer: All personal information will be between Fact Check PH team and the volunteer only.
We use cookies to improve user experience and analyze website traffic. By clicking “Accept All“, you agree to our website's cookie use as described in our Cookie Policy.
Thank you Very Much!

We received your report. Our team of fact checkers will be fact checking the post/news that you submitted.

Thank you Very Much!

We got your application! Please expect one of our team members to reach out to you.