HINDI TOTOO! Hindi naging abogado ni Jose Rizal ang diktador na si Ferdinand Marcos, Sr. Imposibleng magkatagpo ang dalawang personalidad dahil patay na si Rizal noong pinanganak si Marcos, Sr. Dagdag pa riyan, malakas ang ebidensya na pinatay si Rizal sa Luneta.
Ipinanganak ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal noong June 19, 1861 sa Calamba, Laguna. Pinatay siya sa Bagumbayan (ngayon ay Luneta) noong December 30, 1896. Habang ang diktador na si Ferdinand Marcos Sr. ay isinilang sa Sarrat, Ilocos Norte noong September 11, 1917 at pumanaw sa Honolulu, Hawaii (in exile) noong September 28, 1989. Kung atin lamang pagbabasehan ang mga nakalahad na lehitimong impormasyon, imposible na magkatagpo silang dalawa.
Dagdag pa riyan, hindi ito ang unang beses na sangkot ang pangalan ng mga Marcos sa pekeng kasaysayan. Nafact check din natin nang ilang beses ang pekeng balita na minana raw ni Marcos ang kanyang kayamanan sa mga Tallano. Ay kayamanan ni Marcos ay nakaw na yaman at hindi bunga ng kanyang minana mula sa mga Tallano.
[BASAHIN DITO: https://web.facebook.com/FactCheckPhils/posts/4795314900560743 at https://web.facebook.com/FactCheckPhils/posts/4608044915954410]
Maging mapagmatyag tayo sa mga nakikita natin sa social media. Tangkilikin lamang natin ang mga lehitimong impormasyon.
Sources:
http://malacanang.gov.ph/75792-ang-mga-huling-araw-ni-rizal-at-ang-paglilibing-sa-kaniya/
https://www.britannica.com/biography/Jose-Rizal
https://www.britannica.com/biography/Ferdinand-E-Marcos