HINDI TOTOO! Peke ang kumakalat na larawan. Kinundina mismo ni VP Leni Robredo ang kumakalat na larawan sa kanyang Facebook account noong December 5, 2021. Mababasa ang pahayag ni Leni Robredo sa kanyang Facebook account.
Aniya ni Leni Robredo, “Radical magmahal lalo na pag Linggo. Pero fake news ito at ang sama ng pagka photoshop🥴. Obviously done to put us in a bad light. Hindi po tayo magpapatinag. Let us report posts like these. Sorry walang link. They were only sent to me.”
Maging mapagmatyag tayo sa mga nakikita natin sa social media. Sumangguni tayo sa mga media organizations at sa Fact Check Philippines para makumpirma ang katotohanan ng mga nakikita sa social media. Mahahanap ang orihinal na larawan ng isang babae na nagtitinda ng isda sa Balitambayan ng GMA News.