HINDI TOTOO! Hindi naglalaman ng lason o kemikal na nagdudulot ng masamang epekto sa katawan ang COVID-19 vaccines ayon sa mga eksperto sa dugo. Kilala si Jane Ruby para sa pagpapakalat ng mga kasinungalingan at mga pekeng balita hinggil sa mga bakuna kontra COVID-19.
Ayon sa tagapagsalita ng British Society for Haematology na walang katotohanan ang mga sinasabi ni Jane Ruby sa video at ang karamihan ng mga pinakitang larawan ni Jane Ruby ay mali.
Napag-aralan ng mga eksperto ang mga bakuna at nalaman na ang mga mRNA COVID-19 vaccines ay walang kinalaman sa blood clots, habang ang mga bakuna ng AstraZeneca at Johnson and Johnson ay may napakaliit na tsansa na magdulot ng blood clots. Kaya mahalaga ang pagkonsulta sa mga medical professionals kapag magpapabakuna.
Kailangan din maging tapat sa mga medical professionals kapag humihingi sila ng medical history. Muling kumakalat ang mga pekeng video tulad nito sa gitna ng pagdami ng mga kaso ng COVID-19 dahil sa Omicron variant, at sa paglakas ng mga panawagan ng mga gobyerno at mga eksperto sa taumbayan na magpabakuna ng third dose.
Nananatiling ligtas ang mga bakuna para sa lahat. Para sa karagdagang impormasyon sa mga bakuna, bisitahin natin ang website ng Department of Health (https://doh.gov.ph/vaccines...) at World Health Organization (https://www.who.int/…/novel…/covid-19-vaccines).
Sources:
https://www.reuters.com/article/factcheck-video-anomalies-idUSL1N2PX1T6 https://firstdraftnews.org/articles/false-claims-about-magnetic-covid-19-vaccines-continue-to-spread/ https://www.forbes.com/sites/brucelee/2021/07/10/graphene-oxide-in-pfizer-covid-19-vaccines-here-are-the-latest-unsupported-claims/?sh=547075eb74d7
https://www.factcheck.org/2021/10/scicheck-video-spreads-bogus-claims-about-plane-crashes-and-covid-19-vaccines/